It’s Never Too Late

By: Gretisbored
(3 customer reviews)

Never kong inisip na I’ll be attracted to a foreigner.  Marami na rin kasi akong nakilalang banyaga dahil popular ang bayan namin sa mga turista, pero ni isa man sa kanila ay walang nakapukaw sa natutulog kong puso.  Hindi kasi ako ang tipo na nangangarap tumira sa ibang bansa. Kontento na akong mamuhay at tumanda sa Vigan, Ilocus Sur.

Akala ng mga tao dahil kuwarenta na ako’y susugal na lang ako basta-basta kahit kaninong lalaki basta maiahon lang ako sa kinasadlakan kong old maid world. Kaya maraming nangahas na masungkit ang matamis at mangasim-ngasim kong ‘oo’.  Kahit nga si Damian na kilalang bading sa lugar namin ay sumugal din at umasang papatulan ko siya ngayong naghahabol na lang ako sa huling biyahe. Pero ang lagi kong sinasabi sa kanila, I’m not settling just to settle down.  Mas mabuti pang tumandang dalaga kaysa habang buhay na makisama sa lalaking hindi ko naman kayang harapin sa pagtulog.

Tanggap ko na ang kapalaran ko. Alam kong tatanda akong mag-isa. Until one day…

– Laura Zaldivar

**********

After Brian’s mom left me for her ex-boyfriend when he was just a baby, I vowed not to get involved with another woman again, especially Filipinas. But when I met Laura Zaldivar, I knew I wouldn’t be able to keep that vow anymore. She awakened feelings inside me I never thought I would feel again. The only problem is, Brian does not seem to like her. What should I do?

-Phil Thorpe



Description

Sabi nila ang pag-ibig ay hindi hinahanap. Kusa itong dumarating sa hindi mo inaasahang pagkakataon…

**********

At 40, maraming nagsasabi na wala nang pag-asa pang makatagpo ng lalaking magmamahal sa kanya si Laura Zaldivar. Na mas malaki pa raw ang posibilidad na masagasaan ito ng tren kaysa makahanap ng lalaking mapapangasawa. And she believed it. Until she went to her niece’s wedding…

Nang mabigo si Phil Thorpe sa una niyang asawang Pinay, pinangako niya sa sarili na hinding-hindi na iibig pang muli. Nagpokus siya sa pagpapalaki sa kaisa-isang anak na si Brian. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtagpo ang landas nila ni Laura at naramdaman niyang mukhang mabibigo siyang panghawakan ang pangako sa sarili. Muli na naman ba siyang magtitiwala sa isang Filipina?

(This is Dad Phil and Aunt Laura’s story.)

 

3 reviews for It’s Never Too Late

  1. Avatar
    5 out of 5

    gctionko

    short but heartfelt story.
    thanks!

  2. Avatar
    5 out of 5

    appledospueblos

    Such a beautiful story.. thank you!

  3. Avatar
    5 out of 5

    SagittariusHeart

    Like

Add a comment

Book Information

Ang kuwentong ito ay sequel ng THE JILTED BRIDE na kuwento nina Alex Marquez at Brian Thorpe kung naaalala ninyo sa Watty noon. Ang tampok dito ay sina Laura Zaldivar (tiyahin ni Alex) at Phil Thorpe (Dad naman ni Brian).

 

 

Chapters