There is a thin line between hatred and love.
Madalas na niyang marinig iyon. Hindi na bago sa kanya na kapag nagmamahal at nasasaktan ay parang iisa lamang. She thought she experienced the worst but she was wrong.
Margarette promised to herself that when she falls in love again, she will do everything to get the person she’s in love with. Hindi na niya hahayaan na mapunta sa iba ang taong mahal niya kagaya ng nangyari sa kanya nang makilala niya si Pia. Loving her made her life miserable. Hindi lamang dahil hindi niya kayang ipaglaban iyon dahil sa babae sila pareho at sa alta-sosyedad na kinabibilangan niya na hindi tatanggapin ang kagaya nila. Kung hindi dahil mas pinili nito ang isang lalaki kumpara sa kanya.
Pero wala na sigurong hihigit na masakit kung ang taong minamahal niya ngayon ay mapunta uli sa lalaking naging kaagaw niya sa unang pag-ibig.
Sa lalaking ginawang miserable ang una niyang pag-ibig at nagsabing kukunin sa kanya ang lahat ng babaeng magustuhan niya.
Hanggang magawa niyang tanggapin na ang babae ay para sa lalaki lamang!
Image: Photo by Hải Nguyễn from Pexels license
You must be logged in to post a comment.
Word Count: 56000
Comments
There are no comments yet.