Relentlessly Yours

By: Iya Perez

Hindi naging madali kay Katherine ang pagmo-move on sa dati niyang kaibigan at kasintahan na si Kent Reyes na isang engineer. Sa loob ng limang taong pagluluksa, akala niya, hindi na siya makakaranas ng panibagong pagmamahal. Ngunit hindi niya inakalang sa kakambal pa ng kaniyang dating nobyo makakatanggap ng tunay na pag-ibig.

Hirap si Katherine kung papayagan ba niya ang kakambal nitong si Justin na manligaw sa kaniya. Masyado kasing mabait ang binata at kitang-kita niya ang malinaw at mabuti nitong motibo sa kaniya.

Ang kaso, kung kailan naman handa na siyang sabihin kay Justin na payag na siya sa nais nito, sumabay naman ang pag-alis niya patungong South Korea na may kinalaman sa kaniyang trabaho bilang isang Arkitekto.

Nangako siya kay Justin na paglipas ng isang buwan ay babalik ulit siya ng Pilipinas.

Nang dumating siya ng Seoul, hindi niya akalaing magkikita sila roon ni Kent. At ang mas ikinagulat pa niya, kasama niya ito sa iisang bahay. At ang worst, kasama pa niya ito sa trabaho at ka-partner niya sa lahat ng gawain sa kumpanyang kanilang pinapasukan.

Kent, who thought that it was a good thing that they saw each other again, grabbed the chance to pursue Katherine. Kahit na palagi siya nitong sinusungitan at kahit alam niyang galit ito sa kaniya, inamin pa rin niya rito na mahal niya ang babae.

Wala nang dapat pang ikatakot si Kent. Walang mawawala sa kaniya kung susubukan niya ulit. Ngunit naging isang malaking dagok sa kaniya nang malaman niyang hindi lang siya ang may gusto kay Katherine kundi pati ang kakambal niyang si Justin.

Para sa kaniya, iyon na yata ang pinakamalaking laban na sa tingin niya ay kailangan niyang paghandaan. Kahit masaktan niya ang kaniyang kapatid, wala siyang pakialam basta makuha niya si Katherine ulit. And he promised himself that this time, he will make everything right.

He proposed to Katherine and she accepted it. After several days, naging maayos naman sila. Ang kaso, dumating sa Korea and ex ni Kent at ang kambal niyang si Justin. Gumawa ng paraan ang dalawa, para mapaghiwalay sila.

Katherine was heartbroken again. But Kent tried pursuing her once more.

But then, the pursuit of making Katherine his didn’t go his way. Pagkatapos ng isang mainit na gabi sa kanilang dalawa, Katherine decided to leave Korea and went back to the Philippines.

Katherine knew she’s pregnant by that time. Pero ayaw niyang sabihin iyon kay Kent dahil alam niyang hindi pa sila parehong handa.

Pinakiusapan ni Katherine si Kent na huwag nilang contact-in ang isa’t-isa sa loob ng dalawang buwan. Dalawang buwan lang ang hiningi niya, pagkatapos ay saka nila titingnan kung puwede pa ba nilang ituloy ang kanilang pagsasama.

But then, when Kent finally got home, saka naman nagkaroon ng problema. Naaksidente si Katherine at namatay ang bata na nasa sinapupunan nito. Kent, who is always nice, got angry. Nagalit siya kay Katherine dahil hindi nito sinabi ang totoo sa kaniya. Pero nawalan ng silbi ang galit na iyon nang magising si Katherine nang walang naaalala.

Nagkaroon siya ng temporary amnesia. Walang matandaan na kahit sino at kahit pinakamalapit pa sa kaniya ay hindi niya na kilala.

Dahil magaan ang loob niya sa pamilya ng kaibigan niyang si Justin, doon siya tumira. Doon din muling nagkaroon ng spark sa pagitan nila ni Kent. Sinubukan ni Kent na iwasan siya pero kahit anong pigil ng lalaki, mahal na mahal pa rin niya talaga ang dalaga.

Dumating sa puntong hindi na kinaya ni Kent kaya nag-break down na siya sa harapan ni Katherine. Dahil sa mainit sa sagutang iyon, doon bumuhos muli ang mga alaala ni Katherine.

Gusto niyang habulin ang binata, pero huli na siya. Umalis na si Kent.

Pero hindi iyon ang naging dahilan para sumuko siya. Ginamit niya ang pagkakataon para ma-resolba ang problema na mayroon siya sa kaniyang pamilya. Makalipas ng ilang buwan, sinabi sa kaniya ng kapatid ni Kent na alam nito kung saan matatagpuan ang binata.

She travelled back to Korea and found Kent in the Southern area of Jeju Island. Doon siya humingi ng tawad at siya na rin mismo ang nag-propose kay Kent na siyang tinanggap naman ng binata.

After months, Katherine got pregnant and then they got married. And after lots of sacrifices and pain, they finally got their happy ever after.

 



Comments

There are no comments yet.

Add a comment

Book Information

Word Count: 83000

Chapters