The Portrait

By: sexylove_yumi
(13 customer reviews)

Isang pagmamahalan na paglalayuin ng kapalaran.

Si Flaviana “Biana” Bautista ay ang mukha sa likod ng mga paketa ng tabako at sigarilyo. Ang mukha niya ang naging batayan ng kagandahan sa buong Pampanga. Ang sabi nga sa kanilang bayan ay higit pa siya sa isang artista. Anak siya ng Alkalde ng Bayan ng Lubao, bunso sa tatlong magkakapatid at lumaking may kaya. Sa kabila ng mga parinig ng mga binata sa kanya, kasama ang mga Amerikano at mga anak ng politiko, nagmahal si Biana sa katauhan ng isang litratista na nagngangalang Juanito “Juaning” Isidro.

Si Juaning ay tubong San Fernando Pampanga at siyang kilala na magaling na litratista. Sa isang proyekto niya nakilala si Biana na siyang modelo sa bagong tayong pabrika ng sigarilyo sa bayan ng Lubao. Kung ang ibang kalalakihan ay rosas ang binibigay, si Juaning ay isang kwadro ang inialay kay Biana. Mula noon ay naging madalas ang pagku-krus ng landas ng dalawa at nauwi sa pag-iibigan ang una ay pagkakaibigan lamang. Sa mga panahong nagiging maayos ang lahat sa kanila ay sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig at kinailangang sumama ni Juaning sa hukbo ng mga sundalong Amerikano upang lumaban sa mga Hapon.

Hanggang saan dadalin ng isang pangako ang pag-iibigan na susubukin hindi lamang ng panahon kung hindi ng isang digmaan? Hanggang saan mo panghahawakan ang pangako ninyo na ikaw ay magbabalik?



Additional information

chapter_price

20

Category , , ,
Tags

13 reviews for The Portrait

  1. Avatar
    5 out of 5

    juliecayabyab287

    Isa na namang story ni ate yumi na laging iba-back read.. i love the feeling of anticipating the scenes or what’s coming up next with the characters. Hndi aq naiinis pag nabibitin s bawat chapter.. It just proves na worth it ang paghihintay ng update.
    I love you ate..

  2. Avatar
    5 out of 5

    bhaby_machi

    OMG..!! andito na syaaaaaa..

  3. Avatar
    4 out of 5

    marielleagbayani

    excited akong mabasa ng buo kaya hindi ko binabasa pa dahil alam ko na lalo lang akong mabababik.

  4. Avatar
    5 out of 5

    armari.alkuino

    How to unlock this book po?

    • Avatar

      mechanic_lady

      It will be available soon this June

  5. Avatar
    5 out of 5

    marianangelaferrer (verified owner)

    Another story worth reading. Another rollercoaster ride you took me in, Sexy A. Ilang araw ko pa kayang iiyakan at ikatutulala ang nabasa ko? I love how it started, built up, and how it ended. Perfect!

    • sexylove_yumi

      sexylove_yumi

      Thanks, Mia. Makakamove-on ka rin beh.

  6. Avatar
    5 out of 5

    mayven (verified owner)

    What a beautiful story miss yumi..congratulations..mugto ang mata at baradong ilong ang nakuha ko after reading this story..i really really love it..worth it basahin at ulet ulitin..

    • sexylove_yumi

      sexylove_yumi

      Thank you beh.

  7. Avatar
    5 out of 5

    marielleagbayani (verified owner)

    dapat after kong mabasa magbibigay ako ng review but inulit ko ulit na basahin. hindi ako maka move on sa sinapit ng pag mamahalan ni juaning at biana. sumabay akong umiyak sa bawat pasakit na natanggap ng mga tauhan sa kwento. ❤❤❤

    • sexylove_yumi

      sexylove_yumi

      hahaha, makakamove on ka rin beh. thank you for reading

  8. Avatar
    5 out of 5

    corpuzdiannajane (verified owner)

    perfect ending like the tittle. Kahit gano man kadami ang pinagdaan nagkita parin sila sa huling araw nila sa mundo ❤️ Thakyou po s story n napaka ganda! More story to come Miss A

  9. Avatar
    5 out of 5

    heartlessburdado (verified owner)

    Ang tunay na pag-ibig ay mapang unawa
    A story that is worth to read. Mixed emotion,hirap idigest ng mga pangyayari sa kwento pero sa likod ng kwento ay ang katotohanang,nangyari sa totoong buhay ang ibang bahagi ng kwento
    Such a brilliant author
    More stories to come ms.yumi.

  10. Avatar
    5 out of 5

    glo.ilustre27 (verified owner)

    Congrats Ms Yumi!! Nakakalungkot basahin pero ayaw kong bitawan. Sinipon po ako sa kakaiyak… Ang bigat sa dibdib pero nakakatuwang natupad ang pangako ng isat ng isa. Maraming salamat sa nakapagandang kwento Ms Yumi!

  11. Avatar
    5 out of 5

    rjagalvante

    tanong lng po, Tapos na po ba ung buong book?

    • sexylove_yumi

      sexylove_yumi

      Yes dear, tapos na ang buong book ng The Portrait

  12. Avatar
    5 out of 5

    Bian0886

    Hi. Pano bumili ng coins?? 🙁

  13. Avatar
    5 out of 5

    Bian0886

    Hi. Pano bumili ng bumili ng coins and ilan dapat bilhin para mabasa ko buong book chapters??

    • sexylove_yumi

      sexylove_yumi

      Hi dear. Go to SHOP and purchase a NOBELISTA LOAD CARD. You can see how many coins per chapter do you need if you scroll the STORY DESCRIPTION.

Add a comment

Book Information

WORD COUNT- 51,000 words

 

Ang kwento na ito ay hango sa imahinasyon at panaginip ng manunulat na may kalakip na mga pangyayari sa tunay na buhay. Kung mayroong pagkakahalintulad ang mga pangalan sa tunay na buhay ay dahil ang mga pangunahing tauhan ay pangalan ng abuelo at abuela ng manunulat.

Mayroong mga pangyayari na hindi magiging tugma sa panahon na mababanggit. Ipagpaumanhin ninyo at kinakailangang ilagay ang iilan upang umakma sa kwentong inyong mababasa.

 

Chapters